Ano-Ano Ang Mga Ambag Ni Aristotle?

Ano-ano ang mga ambag ni aristotle?

Si Aristotle ay isang Griyegong pilosopo at siyentipiko na binansagang "Ama ng Kanluraning Pilosopiya" kasama ni Plato. Si Aristotle ay nakapagsulat ng napakaraming aklat tungkol sa lohika, pisika, at iba pang mga sakop ng siyensya at agham. Pinag-aralan din niya ang iba't-ibang paksa kabilang ang ekonomiks, heograpiya, astronomiya, at panitikan, at naging tanyag siya sa samu't-sari niyang ambag sa iba't-ibang konsepto at paksa.

Si Aristotle ang kauna-unahang nagmodelo at nagbuo ng teorya na nagpaliwanag ng proseso  ng komunikasyon.  Siya rin ay nakapagbigay ng konsepto ukol sa komposisyon ng mga bagay-bagay, ng mundo, at daigdig. Higit sa lahat, si Aristotle ay mayroong napakalaking ambag sa pilosopiya kabilang ang pilosopiya ng kalikasan.

Mga karagdagang impormasyon:

brainly.ph/question/326237

brainly.ph/question/917993

brainly.ph/question/863713


Comments

Popular posts from this blog

Bakit Nasabing Ang Edukasyon Ang Daan Tungo Sa Matagumpay N Bansa?

All About World War 1angworld War 2

4 Postues/Propositions Of The Modern Cells Theory