Bakit Isang Sakit Ng Lipunan Si Padre Damaso?
Bakit isang sakit ng lipunan si Padre Damaso?
Si Padre Damaso ay sakit ng Lipunan dahil sa ibat ibang kasamaang pinakita ng karakter niya,una hindi iginagalang ang mga babae ,dahil pinagsamantalahan niya ang pagkababae ni Pia Alba ang ina ni Maria Clara na asawa ni Kapitan Tiyago na sa kalaunan ay pumanaw dahil sa panganganak, Ang pagiging ,mapanghusga,maingitin ,hindi magagandang salita na lumalabas sa kanyang bibig,Siya ang nag pakulong sa ama ni Crisostomo Ibarra at dahil sa labis na kalungkutan na sinapit sa bilangguan ay nagkasakit at duon narin binawian ng buhay,hindi pa dun nagtapos ang kasamaan ni Padre Damaso kay Don Rafael pagkalibing ni Don Rafael ay nag utos ito sa dalawang lalaki na hukayin ang labi ni don Rafael at iniutos na ilipat sa libingan ng mga intsik,ngunit dahil sa sama ng panahon at lakas ng ulan ay hindi na ito nagawa ng dalawang napag utusan bagkos ay itinapon nalang nila sa lawa ang bangkay,at mas lalo pa itong ikinatuwa ni padre Damaso.Pati ang magkasintahan Ibarra At Maria Clara ay pinanghimasukan niya ang relasyon. gumawa siya ng paraan upang magkahiwalay ang dalawa na sa kalaunan ay naging dahilan ng pagpapatiwakal ni Maria Clara at ang kasawian din umano ni Ibarra na pinaniwalaang tumalon sa lawa at duon na binawian ng buhay.
i-click ang link para sa karagdagang kaalaman sa Noli Metangere
Comments
Post a Comment