Bakit Nasabing Ang Edukasyon Ang Daan Tungo Sa Matagumpay N Bansa?
Bakit nasabing ang edukasyon ang daan tungo sa matagumpay n bansa?
Napakalaki ng papel ng edukasyon sa bawat tao, lalo na sa ating lipunang ginagalawan, Ito ay mahalaga dahil ito ang magiging pundasyon natin para sa magandang kinabukasan, Sa pamamagitan ng pag aaral ng mabuti, Marami tayong matutunan na kasanayan at magagamit natin ang mga iyon upang maging sandata sa ating mga pagsubok na haharapin. Kapay tayo ay may kaalaman sa isang bagay madali na lamang sa atin ang mag isip ng mga makabagong sulosyon na makakatulong upang mabilis na maresolba ang mga problema.Sa pamamagitan ng Edukasyon natututo tayong maging mas magaling sa mga bagay na gusto nating gawin. Mahalaga ang edukasyon sa ating lipunan sa tulong nito, mas magiging mahusay ang mga tao sa pakikipag ugnayan Bunga nito ay masmagkakaroon tayo ng pagkakaunawaan at pagtutulungan ang mga tao upang mapaunlad ang bansa at ang ekonomiya, mahala ang edukasyon sa ating lipunan tulad nalang ng mga gumagawa ng ating batas kaylangan ay meron silang kaalaman sa kanilang mga tungkulin kung wala silang eduksyon maaari silang maging mangmang at baka makagawa ng mga maling deisyon na mapagdudulot ng kagulohan, Ang edukasyon ay hindi lang nakukuha sa pag pasok sa paaralan, maari rin tayong makakuha ng kaalaman sa ating pang araw araw na karanasan.
para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Edukasyon buksan ang link
Comments
Post a Comment